Magandang Balita Biblia Revisi

Juan 1:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

2. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos.

3. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha

4. sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.

5. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.

6. At naparito si Juan na isinugo ng Diyos

7. upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito.