Magandang Balita Biblia Revisi

Josue 4:14-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Sa araw na iyon, ginawang dakila ni Yahweh si Josue sa paningin ng buong Israel. At siya'y iginalang nila habang siya'y nabubuhay, tulad ng ginawa nila kay Moises.

15. Iniutos ni Yahweh kay Josue,

16. “Sabihin mo sa mga paring may dala ng Kaban ng Tipan na umahon na sila sa Jordan.”

17. Ganoon nga ang ginawa ni Josue.

18. Nang makaahon ang mga paring may dala ng Kaban ng Tipan, muling umagos ang ilog at umapaw sa pampang ang tubig.

19. Ika-10 araw ng unang buwan ng taon nang tumawid ng Ilog Jordan ang bayang Israel. Nagkampo sila sa Gilgal na nasa silangan ng Jerico.