Magandang Balita Biblia Revisi

Josue 21:26-43 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Sampung lunsod lahat pati ang mga pastulan nito, ang napunta sa mga sambahayan sa angkan ni Kohat.

27. Ang mga sambahayan sa angkan ni Gershon na anak ni Levi ay tumanggap naman ng dalawang lunsod buhat sa kalahating lipi ni Manases sa silangan ng Jordan. Napunta sa kanila ang Golan na sakop ng Bashan at isang lunsod-kanlungan, pati ang Beestera, kasama ang mga pastulan nito.

28. Buhat naman sa lipi ni Isacar, tumanggap sila ng apat na lunsod: ang Cision at Daberat,

29. Jarmut at En-ganim, kasama ang mga pastulan nito.

30. Apat ding lunsod ang tinanggap nila sa lipi ni Asher: ang Misal, Abdon,

31. Helcat, at Rehob, kasama ang mga pastulan nito.

32. Tatlong lunsod ang tinanggap nila sa lipi ni Neftali: ang Kades sa Galilea, isang lunsod-kanlungan, Hamotdor at Cartan, kasama ang mga pastulan nito.

33. Labing-tatlong lunsod lahat ang napunta sa mga Levitang buhat sa angkan ni Gershon.

34. Ang mga lunsod na ito mula sa lipi ni Zebulun ay tinanggap ng iba pang Levita, mga angkang buhat sa lahi ni Merari: ang Jokneam, Carta,

35. Dimna, at Nahalal—apat na lunsod, kasama ang mga pastulan nito.

36. Buhat naman sa lipi ni Ruben, tinanggap nila ang Bezer, Jahaz,

37. Kedemot, at Mefaat—apat na lunsod, kasama ang mga pastulan nito.

38. At buhat sa lipi ni Gad, tinanggap nila ang Ramot sa Gilead, isa pa rin sa mga lunsod-kanlungan, Mahanaim,

39. Hesbon, at Jazer—apat na lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan.

40. Labindalawang lunsod, kasama ang kanilang mga pastulan, ang tinanggap ng mga sambahayan sa angkan ni Merari.

41. Apatnapu't walong lunsod lahat, kasama ang kanilang mga pastulan, ang binawas sa lupain ng labing-isang lipi ni Israel at ibinigay sa mga Levita.

42. May kanya-kanyang pastulan ang bawat lunsod na ito.

43. Ibinigay nga ni Yahweh sa bayang Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno. Kaya't nang masakop na nila ang buong lupain, doon na sila nanirahan.