Magandang Balita Biblia Revisi

Josue 19:32-49 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Napunta naman sa lipi ni Neftali ang ikaanim na bahagi.

33. Buhat sa Helef, sa gubat ng mga punong roble sa Zaananim, ang hangganan nito'y nagtungo sa Adamineceb, lumampas ng Jabneel, nagtuloy sa Lacum at nagtapos sa Jordan.

34. Sa pakanluran naman, ang hanggana'y nagtungo sa Aznot-tabor at lumampas na papuntang Hucoca. Karatig ng lupaing ito sa timog ang lupain ng Zebulun, sa kanluran ang lupain ng Asher, at sa silangan ang Juda sa kabila ng Jordan.

35. Ito ang mga lunsod ng Neftali na may mga pader: Sidim, Ser, Hamat, Racat, Cineret,

36. Adama, Rama, Hazor,

37. Kades, Edrei, En-hazor,

38. Jiron, Migdal-el, Horem, Beth-anat at Beth-semes—labinsiyam na lunsod kasama ang mga nayong sakop nila.

39. Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng lipi ni Neftali.

40. Napapunta sa lipi ni Dan ang ikapitong bahagi.

41. Sakop nito ang mga sumusunod: Zora, Estaol, Ir-semes,

42. Saalabin, Ayalon, Itla,

43. Elon, Timna, Ekron,

44. Elteque, Gibeton, Baalat,

45. Jehud, Bene-berac, Gat-rimon,

46. Me-jarcon, Racon at ang lupaing nasa tapat ng Joppa.

47. May mga lupain para sa lipi ni Dan na hindi pa nila nasasakop. Kaya't nang kulangin sila ng lupain, sinalakay nila ang Lesem, sinakop ito at nilipol ang mga tagaroon. Pagkatapos nilang makuha ang Lesem, pinalitan nila ang pangalan nito at tinawag na Dan, alang-alang kay Dan na kanilang ninuno.

48. Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng lipi ni Dan, at pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi.

49. Matapos tanggapin ng mga Israelita ang kani-kanilang bahagi ng lupain, binigyan naman nila si Josue na anak ni Nun ng para sa kanya.