16. Ang mga lunsod na ito at ang mga nayong sakop nila ang napapunta sa lipi ni Zebulun.
17. Napunta sa lipi ni Isacar ang pang-apat na bahagi.
18. Sakop nito ang Jezreel, Kesulot at Sunem;
19. Hafaraim, Shion at Anaharat;
20. Rabit, Cision at Ebez;
21. Remet, En-ganim, En-hada at Beth-pazez.
22. Abot sa Tabor, sa Sahazuma at Beth-semes ang kanyang mga hangganan, at nagtapos sa Ilog Jordan. Labing-anim na lunsod, kasama ang kanilang mga sakop na nayon, ang nasasaklaw ng lupaing ito.
23. Ang mga lunsod at bayang ito ang bahaging napunta sa lipi ni Isacar.