Magandang Balita Biblia Revisi

Josue 15:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang lupaing napapunta sa lipi ni Juda ay mula sa dulo ng Edom at hanggang sa ilang ng Zin sa kaduluhan sa gawing timog.Ito ang pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi.

2. Nagmula ang hangganan ng lupaing ito sa timog ng Dagat na Patay,

3. nagtuloy sa Landas ng Acrabim, at lumampas patungo sa ilang ng Zin. Buhat doo'y umahon sa Kades-barnea, nagdaan ng Hezron, nagtuloy sa Adar at lumikong patungo sa Carca.

4. Matapos tahakin ang Asmona, tinunton ang batis ng Egipto at nagtapos sa Dagat Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog.