Magandang Balita Biblia Revisi

Job 9:5-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Walang sabi-sabing inuuga niya ang bundok,sa tindi ng kanyang galit, ito'y kanyang dinudurog.

6. Ang buong lupa ay kanyang niyayanig,at inuuga niya ang saligan ng daigdig.

7. Maaari niyang pigilan ang pagsikat ng araw,pati ang mga bituin sa kalangitan.

8. Mag-isa niyang inilatag ang sangkalangitan,kanyang tinapakan ang dambuhalang karagatan.

9. Siya ang gumawa ng mga bituin sa kalawakan, sa ‘Oso,’ sa ‘Orion,’sa ‘Pleyades’ at sa mga kumpol ng mga bituin sa katimugan.

10. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan,ang kanyang mga himala ay hindi mabibilang.

11. Siya'y nagdaraan ngunit hindi ko mamasdan, siya'y kumikilos ngunit hindi ko maramdaman.

12. Nakukuha niya ang anumang magustuhan, at sa kanya'y walang makakahadlang,walang makakapagtanong, ‘Bakit mo ginawa iyan?’

13. “Ang poot ng Diyos ay hindi maglulubagsa mga tumulong sa dambuhalang si Rahab.