Magandang Balita Biblia Revisi

Job 9:24-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. Hinayaan niyang ang daigdig ay pagharian ng masama,ang paningin ng mga hukom ay tinatakpan niya.Kung di siya ang may gawa nito, sino pa nga kaya?

25. “Ang aking mga araw ay mabilis lumilipas, walang mabuting nangyayari kaya't nagmamadaling tumatakas.

26. Parang mabilis na bangka ang buhay kong ito,kasing bilis ng agila kung dumadagit ng kuneho.

27. Kung kakalimutan ko na lang ang aking pagdurusa,at tatawanan ko na lang ang aking problema,

28. nangangamba ako na inyong ipalagay,na ang kasawian ko ay bunga ng aking kasalanan.

29. Kung ako'y napatunayan nang nagkasala, anong pagsisikap ang magagawa ko pa?

30. Hindi ako malilinis ng kahit anong sabon, hindi na ako puputi kuskusin man ng apog,

31. matapos mo akong ihagis sa napakaruming balon.Ikinahihiya ako maging ng aking sariling damit.

32. Kung ang Diyos ay tao lang, siya'y aking sasagutin,kahit umabot sa hukuman ang aming usapin.

33. Ngunit sa aming dalawa'y walang tagapamagitan,upang alitan namin ay kanyang mahatulan.

34. Ang pamalo ng Diyos sana'y ilayo na sa akin,at huwag na sana niya akong takutin.

35. At ihahayag ko ang nais kong sabihin,sapagkat ako ang nakakaalam ng sarili kong damdamin.