Magandang Balita Biblia Revisi

Job 8:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. kung ikaw ay talagang tapat, at malinis ang kalooban,tutulungan ka ng Diyos;gagantimpalaan at ibabalik niya ang iyong sambahayan.

7. Maliit na bagay ang mga nawala mong kayamanan,kung ihahambing ang sa iyo'y kanyang ibibigay.

8. “Alamin mo ang mga nagdaang kasaysayan,itanong sa matatanda ang kaalamang natuklasan.

9. Buhay nati'y maikli lang, at kaalaman nati'y kulang;parang anino lamang tayong dumaan sa ibabaw ng sanlibutan.

10. Pakaisipin mo ang kanilang mga aral,ang kanilang sinasabi ay iyong pakinggan.