Magandang Balita Biblia Revisi

Job 6:22-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Sa inyo ba kahit minsan ako ay nagpatulong?Kailan ba ako humingi sa inyo ng pansuhol?

23. Ako ba kahit minsa'y napasaklolo sa inyo?Hiniling ko bang sa kaaway ay tubusin ninyo ako?

24. “Pagkakamali ko'y sabihin at ako'y turuan,ako'y tatahimik upang kayo'y pakinggan.

25. Mga salitang tapat, kay gandang pakinggan,ngunit mga sinasabi ninyo'y walang katuturan.

26. Kung ang sinasabi ko ay walang kabuluhan,bakit ninyo sinasagot itong aking karaingan?

27. Kahit sa mga ulila kayo'y magpupustahan,pati kaibigan ninyo'y inyong pagsusugalan.

28. Tingnan ninyo ako nang harapan, hindi ko kayo pagsisinungalingan,