Magandang Balita Biblia Revisi

Job 5:8-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos,at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog.

9. Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan,mga kababalaghan niya ay walang katapusan.

10. Ang lupa'y pinadadalhan niya ng ulan,mga bukiri'y kanyang pinatutubigan.

11. Ang nagpapakumbabá ay kanyang itinataas,ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas.

12. Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira,kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala.

13. Ang mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag,kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas.

14. Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian.

15. Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila,iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha.