Magandang Balita Biblia Revisi

Job 42:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh:

2. “Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin,at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin.

3. Itinatanong ninyo,‘Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganangayong ako nama'y walang nalalaman?’Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan,ng mga hiwagang di abot ng aking isipan.

4. Sinabi ninyong papakinggan ko ang iyong sasabihin,at ang iyong mga tanong ay aking sasagutin.

5. Noo'y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba,subalit ngayo'y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata.

6. Kaya ako ngayon ay nagsisisi,ikinahihiya lahat ng sinabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo.”

7. Pagkasabi nito kay Job, si Elifaz na Temaneo naman ang hinarap ni Yahweh. Sinabi niya, “Matindi ang galit ko sa iyo at sa dalawa mong kaibigan sapagkat hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin tulad nang ginawa ni Job.

8. Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa. Dalhin ninyo ito kay Job at sunugin bilang handog. Ipapanalangin kayo ni Job. Siya lamang ang papakinggan ko para hindi na kayo pagbayarin sa inyong kahangalan, dahil sa hindi ninyo paglalahad ng buong katotohanan tulad nang ginagawa niya.”

9. Ganoon nga ang ginawa nina Elifaz na Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar na Naamita. At ang panalangin ni Job ay dininig ni Yahweh.