Magandang Balita Biblia Revisi

Job 41:9-16-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. “Ang sinumang sa kanya'y makakakita,sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa.

10. Kapag siya'y ginambala, ubod siya ng bagsik.Sa kanyang harapa'y walang nangangahas lumapit.

11. Sinong lulusob sa kanya at hindi mamamatay?Walang makakagawa nito sa buong sanlibutan.

12. “Ang kanyang mga binti ay malaki at matatag,at walang kaparis ang taglay nitong lakas.

13. Sino ang makakapag-alis sa panlabas niyang kasuotan?May sandata na bang nakatusok sa balat niyang makapal?

14. Sa bibig niya'y sino kaya ang maaaring magbuka?Nakakatakot na mga ngipin nakahanay sa bunganga niya.

15. Maraming kalasag, nakahanay sa kanyang likod;sintigas ng bato at nakalagay nang maayos.

16-17. Masinsin ang pagkaayos, ito'y dikit-dikit,walang pagitan, ni hangin ay di makasingit.