Magandang Balita Biblia Revisi

Job 40:4-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. “Narito, ako'y hamak at walang kabuluhan,wala akong maisasagot, bibig ay tatakpan.

5. Sa panig ko'y nasabi na ang lahat ng sasabihin,ako'y di na kikibo, nasabi'y di na uulitin.”

6. Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job,

7. “Tumayo ka ngayon at magpakalalaki,tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.

8. Ako pa ba ang nais mong palabasing masamaupang iyong palitawin na ikaw ang siyang tama?

9. Ang iyong lakas ba ay katulad ng sa Diyos?Tinig mo ba'y dumadagundong, katulad ng kulog?

10. Kung gayon, balutin mo ang sarili ng dangal at kadakilaan,magbihis ka muna ng luwalhati't kaningningan.

11. Ibuhos mo nga ang tindi ng iyong poot,at ang mga palalo'y iyong ilugmok.

12. Subukin mong pahiyain ang mga palalo,at ang masasama'y tapakan sa kanilang puwesto.

13. Ibaon mo silang lahat sa ilalim ng lupa,sa daigdig ng mga patay sila'y itanikala.

14. Kung iyan ay magawâ mo, maniniwala ako sa iyona kaya mong magtagumpay sa sariling kakayahan mo.

15. “Ang dambuhalang hayop ay tingnan mo,gaya mo'y nilikha ko dito sa mundo.Ito'y parang baka kung kumain ng damo.