Magandang Balita Biblia Revisi

Job 38:18-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo?Sumagot ka kung alam mo.

19. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag,at ang kadiliman, saan ba ito nagbubuhat?

20. Masasabi mo ba kung hanggang saan dapat makarating,at mula doon sila'y iyong pabalikin?

21. Ikaw ay matanda na, baka nga iyong kaya,pagkat nang likhain ang daigdig, ikaw ay nariyan na!

22. “Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakanng niyebe at ng yelong ulan?

23. Ang mga ito'y aking inilalaan,sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan.