Magandang Balita Biblia Revisi

Job 37:10-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Sa hininga ng Diyos nabubuo itong tubig,nagiging yelong matigas at napakalamig.

11. Pinabibigat niya itong mga ulap, mula rito'y pinaguguhit ang mga kidlat.

12. Ito'y bilang pagsunod sa utos ng ating Diyos,sumusunod kahit saang panig nitong sansinukob.

13. Ang ulang ibinubuhos ng dakilang Diyos,maaaring parusa o kagandahang-loob.

14. “Tumigil ka sandali, Job, at iyong isipin,ang mga gawa ng Diyos na walang kahambing.

15. Alam mo ba kung paano niya inuutusan,na maglabasan ang kidlat sa kalangitan?

16. Alam mo ba kung bakit ang ulap ay lumulutang?Iyan ay gawa ng makapangyarihan niyang kamay. Tunay at ganap ang kanyang kaalaman.

17. Hindi mo nga alam! Sapagkat nadarama mo lamang ang matinding init,kapag ang hanging habagat ay umiihip.

18. Tulad ng ginawa niya, ang langit ba'y iyong mailalatagna parang metal na makinis at matigas?

19. Ituro mo sa amin ang dapat sabihin sa Diyos,isip nami'y walang laman, pang-unawa'y kapos.

20. Ang makipag-usap sa Diyos ay di ko na hahangarin,bakit bibigyan ko siya ng pagkakataong ako ay puksain?

21. “Ngayon ang langit ay nalinis na ng hangin,at nakakasilaw ang kanyang luningning.