Magandang Balita Biblia Revisi

Job 35:9-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. “Kapag ang mga tao'y inaapi, sila ay dumaraing,sila'y nagmamakaawa upang ang tulong ay kamtin.

10. Ngunit hindi naman sila lumalapit sa Diyos,na nagbibigay ng pag-asa kung dinaranas ay lungkot.

11. Ayaw nilang lumapit sa Diyos na nagbibigay sa atin ng karunungan,higit sa taglay ng mga hayop o ibon sa kalawakan.

12. Humihibik sila sa Diyos ngunit hindi pinapakinggan,pagkat sila'y mga palalo at puno ng kasamaan.

13. Huwag sabihing ang Makapangyarihang Diyos ay di nakikinig,na di niya pinapansin ang kanilang sinapit.

14. “Ikaw na rin ang nagsabing ang Diyos ay hindi mo nakikita,maghintay ka na lamang sapagkat ang kalagayan mo'y alam niya.

15. Akala mo'y hindi siya marunong magparusa,at ang kasamaa'y ipinagwawalang-bahala niya.

16. Wala nang saysay kung magsasalita ka pa,mga sinasabi mo nama'y walang kuwenta.”