Magandang Balita Biblia Revisi

Job 34:30-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

30. Walang magagawa ang alinmang bansaupang makaiwas sa pinunong masasama.

31. “Job, inamin mo na ba sa Diyos ang iyong kasalanan,nangako ka na bang titigil sa kasamaan?

32. Hiniling mo na bang sa iyo'y ipaunawa ang lahat ng iyong masasamang gawa?Nangako ka na bang titigil na nga sa gawang di tama?

33. Sapagkat sa Diyos ikaw ay lumalaban,ibibigay kaya niya ang iyong kailangan?Ikaw ang magsabi ng iyong kapasyahan,sabihin mong lahat ang iyong nalalaman.

34. “Ang taong mayroong taglay na talinona makarinig sa aki'y magsasabi ng ganito:

35. ‘Ang salita ni Job ay bunga ng kamangmangan,at lahat ng sinasabi niya ay walang kabuluhan.’

36. Isipin ninyong mabuti ang mga sinasabi niya,ang mga sagot niya ay sagot ng taong masasama.

37. Dinaragdagan pa niya ng paghihimagsik ang kanyang mga kasalanan,hinahamak niya ang Diyos sa ating harapan.”