Magandang Balita Biblia Revisi

Job 34:16-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. “Kung matalino kayo, pakinggan ninyo ito.

17. Hindi ba ang Diyos ay makatarungan,bakit hinahatulan siya na parang makasalanan?

18. Sa mga hari, siya ang nagpaparusa,kung sila'y masama at walang halaga.

19. Siya ang lumikha sa sangkatauhan,kaya walang itinatangi, mahirap man o mayaman.

20. Sa isang kisap-mata, ang tao'y mamamatay,ang hampasin ng Diyos, bigla na lamang papanawkahit siya'y malakas o makapangyarihan.

21. Bawat kilos ng tao'y tinitingnan niya,ang bawat hakbang nito'y di lingid sa kanya.

22. Walang sapat na kadilimanang mapagtataguan ng mga makasalanan.

23. Hindi na kailangan ng Diyos na magtakda ng panahon,upang ang tao'y lumapit sa kanya at gawaran ng hatol.

24. Hindi na rin kailangang siya'y mag-imbestiga,upang mga pinuno'y alisin at palitan ng iba.

25. Sapagkat alam niya ang kanilang mga gawain,sa gitna ng dilim, sila'y kanyang wawasakin.

26. Pinaparusahan niya ang masasama nang nakikita ng madla,

27. sapagkat ang kanyang mga utos ay nilalabag nila.

28. Dahil sa masasama, ang mahihirap ay humihibikkaya't sa daing nila ang Diyos ay nakikinig.

29. “Kung ipasya ng Diyos na huwag kumibo,walang maaaring sa kanya'y magreklamo.Kung kanyang talikuran ang sangnilikha, ang tao kaya ay may magagawa?

30. Walang magagawa ang alinmang bansaupang makaiwas sa pinunong masasama.

31. “Job, inamin mo na ba sa Diyos ang iyong kasalanan,nangako ka na bang titigil sa kasamaan?