Magandang Balita Biblia Revisi

Job 33:9-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. ‘Ako'y malinis at walang nagawang kasalanan,ako'y walang sala at walang kasamaan.

10. Gumagawa lamang ang Diyos ng dahilan upang ako'y parusahan,at itinuturing niya akong isang kaaway.

11. Mga paa ko ay kanyang iginapos,at binabantayan ang aking mga kilos.’

12. “Ngunit ang sagot ko nama'y nagkakamali ka, Job,sapagkat sa sinumang tao ay mas dakila ang Diyos.

13. Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintanganna di marunong makinig sa iyong karaingan?

14. Magsalita man siya sa iba't ibang paraan,hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan.

15. Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain,sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing.

16. Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin,nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain.

17. Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilansa paggawa ng masama at sa kapalaluan.

18. Hindi nais ng Diyos na sila'y mamataykaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay.

19. Pinadadalhan niya ang tao ng iba't ibang sakit,upang sa pamamagitan ng kirot ang tao'y maituwid.

20. Ang taong may sakit ay walang panlasa,masarap man ang pagkain, wala pa ring gana.

21. Nauubos ang kanyang laman,natitira'y buto't balat na lamang.

22. At parang handang handa nang pumunta sa daigdig ng mga patay.

23. “O baka siya'y tulungan ng isa sa libong mga anghel,na nagpapaalala sa tao ng kanyang mga tungkulin.