Magandang Balita Biblia Revisi

Job 33:21-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Nauubos ang kanyang laman,natitira'y buto't balat na lamang.

22. At parang handang handa nang pumunta sa daigdig ng mga patay.

23. “O baka siya'y tulungan ng isa sa libong mga anghel,na nagpapaalala sa tao ng kanyang mga tungkulin.

24. Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan, ay magsabi ng ganito: ‘Siya ay pawalan,hindi siya dapat humantong sa libingan,narito ang bayad para sa kanyang kalayaan.’