Magandang Balita Biblia Revisi

Job 33:2-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Sasabihin ko na ang laman ng aking isipan,

3. lahat ng ilalahad ko ay pawang katapatan,lahat ng ihahayag ay pawang katotohanan.

4. Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin,buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling.

5. “Kung kaya mo'y sagutin mo itong aking sasabihin,ang iyong mga katuwiran ay ihanda mo na rin.

6. Ikaw at ako'y iisa sa harap ng Diyos natin,parehong sa putik tayo nanggaling.

7. Kaya sa aki'y wala kang dapat alalahanin,huwag mong isiping ika'y aking gagapiin.

8. “Ito ang narinig kong sinabi mo:

9. ‘Ako'y malinis at walang nagawang kasalanan,ako'y walang sala at walang kasamaan.

10. Gumagawa lamang ang Diyos ng dahilan upang ako'y parusahan,at itinuturing niya akong isang kaaway.

11. Mga paa ko ay kanyang iginapos,at binabantayan ang aking mga kilos.’

12. “Ngunit ang sagot ko nama'y nagkakamali ka, Job,sapagkat sa sinumang tao ay mas dakila ang Diyos.

13. Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintanganna di marunong makinig sa iyong karaingan?

14. Magsalita man siya sa iba't ibang paraan,hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan.

15. Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain,sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing.