Magandang Balita Biblia Revisi

Job 33:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “At ngayon, Job, makinig ka sa aking sasabihin,at mga salita ko'y bigyan mo ng pansin.

2. Sasabihin ko na ang laman ng aking isipan,

3. lahat ng ilalahad ko ay pawang katapatan,lahat ng ihahayag ay pawang katotohanan.

4. Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin,buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling.