Magandang Balita Biblia Revisi

Job 3:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga,at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi.

10. Sumpain ang gabi ng aking pagsilangna nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan.

11. “Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,o kaya'y noong ako'y isilang niya?

12. Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan,at binigyan ng gatas sa dibdib niya?