Magandang Balita Biblia Revisi

Job 3:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman,at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw.

6. Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon,at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.

7. Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan,

8. at sumpain ng mga salamangkerongnagpapaamo ng dambuhalang Leviatan.

9. Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga,at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi.