Magandang Balita Biblia Revisi

Job 3:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang.

2. Ito ang kanyang sinabi:

3. “Hindi na sana ako ipinanganak paat hindi na rin sana ako ipinaglihi.

4. Nabalot na sana ng dilimat huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos.Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag.

5. Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman,at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw.

6. Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon,at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.

7. Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan,