Magandang Balita Biblia Revisi

Job 29:7-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Kapag pumupunta ako noon sa mga kapulungan,at nauupong kasama ng mga pinuno ng bayan,

8. kapag ako'y natanaw, mga kabataa'y nagbibigay-daan,mga matatanda nama'y tumatayo at nagbibigay-galang.

9-10. Ihihinto ng pinuno, kanilang usapan,at mga maharlika'y tatahimik na lamang.

11. “Kapag ako'y nakita at kanilang narinig,sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig.

12. Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan,dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.

13. Pinupuri ako ng mga dumanas ng kasawian,natulungang mga biyuda sa tuwa'y nag-aawitan.

14. At ang lagi kong adhikain, katarungan at katuwiran ay siyang pairalin.