Magandang Balita Biblia Revisi

Job 29:19-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Tulad ko noo'y punongkahoy na sa tubig ay sagana,at ang mga sanga, sa hamog laging basa.

20. Pinupuri ako ng halos lahat,at di nauubos ang aking lakas.

21. Sa mga payo ko sila'y nananabik,sa sinasabi ko sila'y nakikinig.

22. Ang sinabi ko'y di na dapat ulitin,pagkat sa isip agad itong naitatanim.

23. Sa mga sasabihin ko'y lagi silang naghihintay,salita ko'y parang ulan sa panahon ng tag-araw.

24. At ang aking mga ngiti sa kanila'y pampalakas-loob,sa saya ng aking mukha silang lahat ay nalulugod.

25. Para akong hari na sa hukbo'y nag-uutos,at nagbibigay ng aliw kapag sila'y nalulungkot.