Magandang Balita Biblia Revisi

Job 28:7-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin,kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin.

8. Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis,hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik.

9. “Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas,pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag.

10. Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan,mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan.

11. Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton,at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon.

12. Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan?At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?

13. “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan;wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay.

14. Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan.

15. Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad,hindi ito makukuha palitan man ng pilak.

16. Ang pinakamahal na ginto at alahas,sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas.

17. Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan,mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan.

18. Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral,higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal.

19. Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay,at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay.

20. “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan?At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?

21. Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang,mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw.

22. Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayanay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang.

23. “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalamkung saan naroroon ang tunay na karunungan.