Magandang Balita Biblia Revisi

Job 27:17-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan,mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan.

18. Sapot lamang ng gagamba ang katulad ng kanyang bahay,parang kubo lamang ng mga aliping bantay.

19. Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang;pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na.

20. Mga kasawian ay parang bahang darating,tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim.

21. Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita.

22. Patuloy siyang babayuhin nang walang pakundangan,ang kapangyarihan nito'y sisikapin niyang matakasan.

23. Sa bandang huli, hangin ay magagalakpagkat itong masama, tuluyan ng bumagsak.