Magandang Balita Biblia Revisi

Job 27:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Muling tumugon si Job,

2. “Isinusumpa ko sa Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan,sa Makapangyarihang Diyos na nagdulot sa akin ng kapaitan.

3-4. Habang mayroon akong hininga na Diyos ang nagbibigay,ang labi ko'y walang bibigkasing kasinungalingan,ang aking sasabihin ay pawang katotohanan.

5. Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran,igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan.

6. Hindi ko isusuko ang aking katuwiran,budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan.

7. “Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan;ituring nawa silang lahat na makasalanan.