Magandang Balita Biblia Revisi

Job 24:2-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. “Binabago ng mga tao ang hangganan ng mga lupa,nagnanakaw ng mga hayop na iba ang nag-alaga.

3. Tinatangay nila ang asno ng mga ulila,kinakamkam sa mga biyuda ang bakang isinangla.

4. Ang mahirap ay itinataboy sa lansangan;at dahil sa takot, naghahanap ito ng taguan.

5. “Kaya ang dukha, tulad ay asnong mailap,hinahalughog ang gubat,mapakain lang ang anak.

6. Gumagapas sila sa bukid na hindi kanila,natirang ubas ng mga masasama pinupulot nila.

7. Kanilang katawan ay walang saplot;sa lamig ng gabi, wala man lamang kumot.