Magandang Balita Biblia Revisi

Job 24:12-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Mga naghihingalo at mga sugatan, sa loob ng lunsod ay nagdadaingan,ngunit di pa rin pansin ng Diyos ang kanilang panawagan.

13. “May mga taong nagtatakwil sa liwanag;di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan.

14. Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw,at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang.Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw.

15. Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim,nagtatakip ng mukha upang walang makapansin.

16. Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw;ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw.

17. Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan,ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.”

18. Sinabi ni Zofar,“Ang masamang tao'y tinatangay ng baha,sinumpa ng Diyos ang kanilang lupa;sa ubasan nila'y ni walang mangahas magsaka.

19. Kung paanong ang yelo ay natutunaw sa tag-init,gayundin ang masama, naglalaho sa daigdig.

20. Kahit ang kanyang ina sa kanya'y nakakalimot;parang punong nabuwal, inuuod at nabubulok.

21. Pagkat inapi niya ang babaing di nagkaanak,at ang mga biyuda ay kanyang hinamak.

22. Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas;kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas.