Magandang Balita Biblia Revisi

Job 23:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito naman ang sagot ni Job:

2. “Hanggang ngayon ay masama pa itong aking loob,bagama't ako'y nananangis, pinaparusahan pa rin ng Diyos.

3. Kung alam ko lamang kung saan siya matatagpuan,pupuntahan ko siya sa kanyang kinaroroonan.

4. Ihaharap ko sa kanya ang aking kalagayanat ilalahad kong lahat ang aking katuwiran.

5. Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin;nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin.