Magandang Balita Biblia Revisi

Job 21:6-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Tuwing iisipin ko itong sinapit ko,ako'y nanginginig at nanlulumo.

7. Bakit kaya ang masama'y hinahayaan pang mabuhay,tumatanda pa at nagtatagumpay?

8. Mayroon silang mga anak at mga apo,naabutan pa nila ang paglaki ng mga ito.

9. Hindi pinipinsala ang kanilang mga tahanan;parusa ng Diyos ay di nila nararanasan.

10. Ang pagdami ng kanilang mga hayop ay mabilis,ang inahin nilang baka'y nasa ayos kung magbuntis.

11. Ang kanilang mga anak ay naghahabulan, parang tupang naglalaro at mayroon pang sayawan.

12. Umaawit sa saliw ng tamburin at lira, umiindak, nagsasayaw sa tunog ng mga plauta.

13. Ang buong buhay nila'y puspos ng kasaganaan;at mapayapa ang kanilang pagharap sa kamatayan.

14. “Sinasabi nila sa Diyos, ‘Huwag mo kaming pakialaman.Ayaw naming alamin ang iyong kalooban!

15. Sino ba ang Makapangyarihang Diyos upang sambahin namin?At ano bang mapapala kung sa kanya'y mananalangin?’

16. Ang akala nila, sa sariling lakas galing ang tagumpay,ngunit di ako sang-ayon sa kanilang palagay.

17. “Ilawan ba ng masama'y pinatay nang minsan?Sila ba ay dumanas ng matinding kahirapan,at ang parusa ng Diyos, sa kanila ba'y ipinataw?

18. Itinulad ba sa dayaming nililipad nitong hangino ipang walang laman, tinatangay sa papawirin?

19. “Sinasabi ninyong ang anak ay pinaparusahan dahil sa sala ng kanyang magulang.Parusahan sana ng Diyos ang mismong may kasalanan!

20. Sa gayo'y mararanasan nila ang kahirapang sasapitin;sa parusa ng Makapangyarihang Diyos, sila ang pagdanasin.