Magandang Balita Biblia Revisi

Job 21:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang sagot ni Job,

2. “Pakinggan ninyong mabuti itong aking sasabihin;ituturing ko nang ito'y pag-aliw sa akin.

3. Ako muna'y inyong pagsalitain,at pagkatapos nito, saka na ninyo laitin.

4. “Di laban sa tao itong aking hinanakit,may sapat akong dahilan, kung bakit hindi makatiis.

5. Tingnan ninyo ang hitsura ko, hindi pa ba ito sapatupang tumahimik na kayo at walang salitang mabigkas?

6. Tuwing iisipin ko itong sinapit ko,ako'y nanginginig at nanlulumo.

7. Bakit kaya ang masama'y hinahayaan pang mabuhay,tumatanda pa at nagtatagumpay?

8. Mayroon silang mga anak at mga apo,naabutan pa nila ang paglaki ng mga ito.

9. Hindi pinipinsala ang kanilang mga tahanan;parusa ng Diyos ay di nila nararanasan.