Magandang Balita Biblia Revisi

Job 20:21-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira,ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na.

22. Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitanat siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan.

23. Kumain na siya't magpakabusog!Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos.

24. Makaligtas man siya sa tabak na bakal,palasong tanso naman ang sa kanya'y magbubuwal.

25. Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok;kung makita niya ito,manginginig siya sa takot.

26. Matinding kadiliman ang sa kanya'y naghihintay;masusunog siya sa apoy na hindi namamatay.Wala ring matitira sa kanyang pamilya.

27. Ipahahayag ng langit ang kasamaan ng taong ito,laban sa kanya, ang lupa'y magpapatotoo.

28. Ang lahat ng kayamanan niya ay sisirain,sa galit ng Diyos ito ay tatangayin.

29. “Ganito ang sasapitin ng lahat ng masasama,kapasyahan ng Diyos, sa kanila'y itinakda.”