Magandang Balita Biblia Revisi

Job 20:19-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. sapagkat ang mahihirap ay inapi niya,kinamkam ang mga bahay na itinayo ng iba.

20. “Kanyang pagkagahaman ay walang katapusan,walang nakakaligtas sa kanyang kasakiman.

21. Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira,ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na.

22. Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitanat siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan.

23. Kumain na siya't magpakabusog!Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos.