Magandang Balita Biblia Revisi

Job 20:14-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Ngunit nang ito'y lunukin, dumaan sa lalamunan,ubod pala ng pait, lason sa katawan.

15. Kayamanang kinamkam niya, kanya ngayong isusuka;palalabasin nga ng Diyos mula sa kanyang bituka.

16. Ang nilulunok ng taong masama ay tulad ng kamandag,parang tuklaw ng isang ahas na sa kanya ay papatay.

17. Ang mga ilog at batis na siyang dinadaluyanng pulot at gatas ay di na niya mamamasdan.

18. Di rin niya papakinabangan lahat ng pinaghirapan;di niya malalasap ang naipong kayamanan,

19. sapagkat ang mahihirap ay inapi niya,kinamkam ang mga bahay na itinayo ng iba.

20. “Kanyang pagkagahaman ay walang katapusan,walang nakakaligtas sa kanyang kasakiman.

21. Kapag siya'y kumakain, wala siyang itinitira,ngunit ang kasaganaan niya ngayo'y magwawakas na.

22. Sa kanyang kasaganaan, daranas ng kagipitanat siya'y daratnan ng patung-patong na kahirapan.

23. Kumain na siya't magpakabusog!Matinding galit ng Diyos sa kanya'y ibubuhos.

24. Makaligtas man siya sa tabak na bakal,palasong tanso naman ang sa kanya'y magbubuwal.

25. Kapag ito'y itinudla sa apdo niya ay tutusok;kung makita niya ito,manginginig siya sa takot.