12. “Ang lasa ng kasamaan para sa kanya ay matamis,ninanamnam pa sa dila, samantalang nasa bibig.
13. Itong kanyang kasamaan ay hindi niya maiwan;kahit gusto man niyang iluwa ay di niya magagawa.
14. Ngunit nang ito'y lunukin, dumaan sa lalamunan,ubod pala ng pait, lason sa katawan.
15. Kayamanang kinamkam niya, kanya ngayong isusuka;palalabasin nga ng Diyos mula sa kanyang bituka.
16. Ang nilulunok ng taong masama ay tulad ng kamandag,parang tuklaw ng isang ahas na sa kanya ay papatay.