Magandang Balita Biblia Revisi

Job 20:1-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Zofar na Naamita,

2. “Ang iyong mga sinabi ay hindi ko na nagugustuhankaya hindi ko na mapigilan ang pagsali sa usapan.

3. Ang iyong mga sinabi ay puro panlalait,kaya't tugon ko ngayo'y aking ipababatid.

4. “Hindi mo ba nalalaman na buhat pa sa simula,nang ang tao ay ilagay sa ibabaw ng lupa,

5. ang pagmamataas ng masama ay di nagtatagal,

6. umabot man sa langit ang kanyang katanyagan,at ang kanyang ulo, sa ulap ay umabot man.

7. Ngunit tulad ng alabok, ganap siyang mapaparam;ang hantungan niya'y hindi alam ng sinuman.

8. Siya'y parang panaginip na mawawala, parang pangitain sa gabi,di na muling makikita.

9. Di na siya muli pang makikita ng mga dating kaibigan at kapamilya.

10. Makikisama sa mahihirap ang kanyang mga anak; kayamanang kinamkam, mapapabalik lahat.

11. Ang lakas ng kabataan na dati niyang taglay,kasama niyang mahihimlay sa alabok na hantungan.