Magandang Balita Biblia Revisi

Job 19:13-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. “Ang mga kapatid ko'y pinalayo niya sa akin;mga dating kakilala, hindi na ako pinapansin.

14. Pati mga kamag-anak ko'y nag-alisan; naiwan akong walang kaibigan.

15. Dati kong mga panauhi'y di na ako kilala;para na akong dayuhan sa aking mga alila.

16. Ang utos ko sa kanila'y hindi na rin pinapansin,makiusap man ako'y ayaw pa rin akong sundin.

17. Pati na ang asawa ko'y nandidiri sa akin;mga kapatid ko sa laman, ayaw akong makapiling.

18. Ako'y kinukutya ng mga batang paslit; kapag ako'y nakita, pinagtatawanan at nilalait.

19. Mga kaibigan kong matalik sa akin ay nasusuklam,ang mga minamahal ko, ako'y nilalayuan.

20. Buto't balat na lamang ang natitira sa akin,ang pag-asa kong mabuhay, maliit na at katiting.