Magandang Balita Biblia Revisi

Job 19:12-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Ang hukbo niya ay tinipon at ako ay kinubkob,ang aking tahanan ay kanilang sinakop.

13. “Ang mga kapatid ko'y pinalayo niya sa akin;mga dating kakilala, hindi na ako pinapansin.

14. Pati mga kamag-anak ko'y nag-alisan; naiwan akong walang kaibigan.

15. Dati kong mga panauhi'y di na ako kilala;para na akong dayuhan sa aking mga alila.

16. Ang utos ko sa kanila'y hindi na rin pinapansin,makiusap man ako'y ayaw pa rin akong sundin.

17. Pati na ang asawa ko'y nandidiri sa akin;mga kapatid ko sa laman, ayaw akong makapiling.

18. Ako'y kinukutya ng mga batang paslit; kapag ako'y nakita, pinagtatawanan at nilalait.

19. Mga kaibigan kong matalik sa akin ay nasusuklam,ang mga minamahal ko, ako'y nilalayuan.

20. Buto't balat na lamang ang natitira sa akin,ang pag-asa kong mabuhay, maliit na at katiting.

21. Mga kaibigan ko, sa akin sana'y mahabag;kamay na ng Diyos ang sa aki'y humahampas.

22. Bakit n'yo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Diyos?Di pa ba kayo masaya sa kahirapan kong lubos?

23. “Ang mga salita ko sana'y maisulatat maitala sa isang buong aklat!

24. At maiukit sa bato itong mga sinabi koupang habang panaho'y mabasa ng mga tao.

25. Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas,na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.

26. Pagkatapos na maubos itong aking buong balat,makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.