Magandang Balita Biblia Revisi

Job 18:9-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. kaya naman nasisilo itong kanyang mga paa.

10. Isang silo ang sa kanya'y iniumang,may bitag na nakahanda sa kanyang daraanan.

11. “Saanman siya bumaling, takot ay naghihintay;sinusundan siya nito sa bawat hakbang.

12. Mayaman siya noon ngunit ngayo'y hikahos,naghihintay sa kanya'y hirap at pagdarahop.

13. Nakamamatay na sakit, sa katawan niya'y kumakalat,mga bisig at paa niya'y unti-unting naaagnas.

14. Dati siya'y panatag sa kanyang tahanan;ngayo'y kinakaladkad patungo kay Kamatayan.

15. May iba nang nakatira doon sa dati niyang tahanan,matapos malagyan ng gamot at malinis nang lubusan.

16. Ang kanyang mga ugat at mga sanga, lahat ay natuyo at pawang nalanta.

17. Lahat niyang alaala ay napawi nang lubusan;nakalimutan nang lahat pati kanyang pangalan.

18. Mula sa liwanag, inihagis siya sa karimlan,at pinalayas siya sa daigdig ng mga buháy.