Magandang Balita Biblia Revisi

Job 17:10-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Subalit silang lahat, humarap man sa akin,wala akong maituturo na may talinong angkin.

11. “Tapos na ang mga araw ko, bigo ang aking mga plano,ang aking pag-asa'y tuluyan nang naglaho.

12. Sabi nila, ang gabi ay araw na rin,malapit na raw ang liwanag,ngunit alam kong ako'y nasa dilim pa rin.

13. Ang tanging pag-asa ko'y ang daigdig ng mga patay,at sa kadiliman doon ako mahihimlay.

14. Ang hukay ay tatawagin kong ama,at ang mga uod ay ituturing kong mga kapatid at ina.

15. Nasaan nga ang aking pag-asa,sino ang dito ay makakakita?

16. Madadala ko ba ito sa daigdig ng mga patay,sasama ba ito sa alabok na hantungan?”