Magandang Balita Biblia Revisi

Job 17:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Gulung-gulo ang aking isipan, bilang na ang aking mga araw,hinihintay na ako ng libingan.

2. Pinagmamasdan ko ang sa akin ay lumalait, mga salita nila'y lubhang masasakit.

3. O Diyos, ako'y tapat, kaya sa aki'y magtiwala,ikaw lang ang makapagpapatunay sa aking mga salita.

4. Isip nila'y sinarhan mo upang di makaunawa;laban sa akin, huwag nawa silang magtagumpay.

5. Siyang dahil sa salapi ay nagtataksil sa mga kaibigan,kanyang mga anak ang siyang mawawalan.

6. Ako ngayo'y pinag-uusapan ng buong bayan,pinupuntahan pa upang maduraan lamang.

7. Halos ako'y mabulag dahil sa kalungkutan,kasingnipis ng anino ang buo kong katawan.