Magandang Balita Biblia Revisi

Job 13:6-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain.

7. Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan?Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan?

8. Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban?Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan?

9. Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita,siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba?

10. Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan,kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan.

11. Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan.