Magandang Balita Biblia Revisi

Job 13:21-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Itigil mo na itong pagpaparusa sa akin, at sa takot ay huwag mo akong patayin.

22. “Magsalita ka, at aking tutugunin,o kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin.

23. Saan ba ako nagkamali, ano ba ang aking kasalanan?Pagkakasala ko'y maaari ko bang malaman?

24. “Bakit ako'y iyong pinagtataguan?Bakit itinuturing mo akong isang kaaway?

25. Para akong isang dahon, huwag mo na akong takutin,ang katulad ko'y ipa, na tinatangay ng hangin.

26. Kay pait naman ng iyong mga paratang,kasalanan ko noong ako'y bata iyo pang ibinibilang.

27. Itong aking mga paa'y nilagyan pa ng gapos,tinitingnan, sinusuri ang aking bawat kilos.

28. Kaya't ako'y parang kahoy na nabubulok,parang damit na nasisira, unti-unting nauubos.