Magandang Balita Biblia Revisi

Job 13:11-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan.

12. Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo,singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo.

13. “Tumahimik na lang kayo at ako'y pasalitain,hayaang mangyari ang mangyayari sa akin.

14. Nakahanda akong itaya ang buhay kong angkin.

15. Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin,maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.

16. Maaaring iligtas ako ng aking katapangan,sapagkat wala namang masamang tao na makakaharap sa Maykapal.

17. Pakinggan mong mabuti itong aking sasabihin, itong paliwanag ko ay iyong unawain.

18. Nakahanda akong ilahad ang aking panig,sapagkat alam ko namang ako ay nasa katuwiran.

19. “O Diyos, lalapit ka ba upang ako'y usigin?Kung gayon, handa akong manahimik at mamatay.

20. Mayroon akong dalawang kahilingan,at ako'y di magtatago kung iyong papayagan.

21. Itigil mo na itong pagpaparusa sa akin, at sa takot ay huwag mo akong patayin.

22. “Magsalita ka, at aking tutugunin,o kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin.

23. Saan ba ako nagkamali, ano ba ang aking kasalanan?Pagkakasala ko'y maaari ko bang malaman?

24. “Bakit ako'y iyong pinagtataguan?Bakit itinuturing mo akong isang kaaway?