Magandang Balita Biblia Revisi

Job 10:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Alam mo namang wala akong kasalanan,at walang makakapagligtas sa akin mula sa iyong mga kamay.

8. “Ang mga kamay mo ang sa aki'y lumikha,ngayo'y kamay mo rin ang sa aki'y sumisira.

9. Di ba't mula sa lupa ay ginawa mo ako,ngayon ba'y pupulbusin at ibabalik dito?

10. Niloob mong ako'y manggaling sa aking ama,inaruga, pinalaki sa tiyan ng aking ina.